Utol dinedbol ng kuya
MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 23-anyos na binata nang siya ay saksakin at mapatay ng kanyang nakakatandang kapatid matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City, kamakalawa.
Ang nasawi ay kinilalang si John Paul Albaran, construction worker, ng #17 Pinya St., Block 40, Welfareville Compound, Brgy. Addition Hills.Agad din naaresto ang kapatid nitong si Jonathan Albaran, 25.
Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:00 ng umaga noong Lunes ay nag-iinuman ang magkapatid kasama ang ilang kaibigan dakong alas-2:00 ng madaling araw.
Sa kasagsagan ng kanilang inuman ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid na nauwi sa suntukan, hanggang sa makadampot ng kutsilyo ang suspek at tinarakan sa dibdib ang biktima.
- Latest