^

Police Metro

Opisyal ng army todas, 1 sugatan sa engkuwentro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Army Lieutenant ang nasawi habang isang kasama ang nasugatan nang makasagupa ang grupo ng rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa ng hapon sa liblib na lugar sa Brgy. Mainit, Bato, Camarines Sur.

Ang nasawi ay kinila­lang si 2nd Lt. Jason Fre­derick Pasco, team leader ng Bravo Company ng Army’s 83rd Infantry Battalion (IB).

Isinugod naman sa Santa Maria Josefa Hospital Foundation sa Iriga City ang nasugatang si Pfc Reynaldo Aquino.

Sa inisyal na ulat ng Army’s 9th Infantry Division (ID), bago nangyari ang engkuwentro dakong alas-5:15 ng hapon sa Brgy. Mainit, Bato ay kasalukuyang nagsasagawa ng combat operation ang Bravo Company ng nasabing batalyon ng Philippine Army sa pamumuno ni 2nd Lt Pasco nang masabat ang isang pulutong ng mga rebeldeng NPA.

Agad nagkaroon ng mainitang bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig kung saan sa kasagsagan ng putukan ay nasapul ng bala si Pasco na nangunguna sa operasyon.

Pinaniniwalaan namang nagtamo rin ng mga sugatan sa panig ng mga rebelde base sa mga bakas ng dugo na nakita sa lugar na dinaanan ng mga ito sa pagtakas.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with