^

Police Metro

4 patay sa karambola ng mga sasakyan

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang apat katao habang anim ang nasugatan sa naganap na karambola ng mga sasakyan sa kahabaan ng national highway ng Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Armando Bunayog, 41; Banosia Esteban II Macabinta; Benney Caballero at isang hindi pa nakilalang biktima.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasu­gatang sina Reglin Pepito, 37; Fructoso Bation, 54; Edgar Muerong, 49 at tatlong iba pa na inaalam pa ang pangalan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, bago nangyari ang insidente dakong alas– 4:15 ng hapon sa nasabing highway ay bumabagtas ang isang cargo  truck na puno ng kargang 800 sako ng tubo at tatlo pang behikulo galing Cagayan de Oro City at patungo sa bayan ng Molave.

Pagsapit sa pakurbadang daan sa kahabaan ng Brgy. Esperanza ay nag-overtake ang driver ng Isuzu Prime Mover truck na minamaneho ni Fructoso Bation sa isa pang behikulo bunsod upang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Dito ay nahagip ng truck ang KIA Bongo (ADO 4221) na may mga kargang paninda at tatlo pang behikulo kabilang ang isang motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi ang nagkarambolang mga behikulo maliban sa dump truck na kung saan ay agad nasawi ang apat na biktima.

Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide with serious physical injuries at damage to property ang driver ng truck.

vuukle comment

KARAMBOLA NG SASAKYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with