^

Police Metro

Holdaper nanlaban, dedo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa halip na sumuko ay nanlaban umano ang isang holdaper sa mga pulis na humahabol sa kanya kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Namatay noon din ang suspek na si Anthony Garcia, 30, walang trabaho at nakatira sa Barangay 12, ng naturang lungsod.

Narekober sa suspek ang pera at gintong kuwintas na tinangay nito sa kanyang biniktima na si Janine Orbita, 35, may-asawa, ng Balut, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Caloocan City Police, bago naganap ang shootout dakong ala-1:00 ng madaling araw sa Sal­mon Street, Brgy. 8 ay nag­lalakad si Orbita patungo sa sakayan ng jeep nang lapitan at tutukan siya ng kalibre .38 baril ng suspek at nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng suspek ang pera at kuwintas ng biktima at saka kaswal na naglakad na tila walang nangyari.

Tiyempo naman na may napadaan na tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na nagsasagawa ng Opan Pagtugis Olea at Paglalansag sa lugar na hiningan ng tulong ng biktima.

Hinabol ng mga pulis ang suspek na sa halip na sumuko ay pinutukan nito kaya’t gumanti ang mga una ng putok at napatay ang suspek.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with