^

Police Metro

GenSan bomber todas sa engkuwentro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang isa sa panguna­hing suspek sa pambo­bomba sa General Santos City sa naganap na engkuwentro sa Brgy. Tambler, kahapon ng umaga.

Ang napatay na tero­rista ay kinilalang si Basser Sahak, miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) inspired group na Ansar al-Khilafa Philippines (AKP) at residente ng Brgy. Daliao, Maasim, Sarangani habang nakatakas ang ama nito na si Kupang Sahak.

Sa ulat, dakong alas-5:45 ng umaga nang makasagupa ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang mga miyembro ng AKP terrorists na nakabase sa Sarangani sa Brgy Tambler ng lungsod.

Nabatid na papalapit pa lamang sa lugar ang  arresting team nang sila ay pagbabarilin ng AKP–ISIS inspired terrorists na nagresulta sa mainitang bakbakan at napatay si Sahak at nakatakas ang ama nito na si Kupang Sahak.

Si Basser ang isa sa mga teroristang kinasuhan ng multiple frustrated murder sa pambobomba sa Bonita Lying Inn sa Purok Malipayon, Brgy. Apopong, national highway, General Santos City na ikinasugat ng walong indibidwal noong Set­yembre 16 ng taong ito.

Bukod dito si Basser din ang lider ng AKP Special Operations Group (SOG) na namumuno sa liquidation operation at extortion.

vuukle comment

PAMBO­BOMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with