^

Police Metro

Kandidatong board member, apo itinumba

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa
Kandidatong board member, apo itinumba
Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay katatapos lang mamili ang maglola sa palengke at pasakay na sana sa kanilang sasakyan na van nang pagbabarilin ng mga suspek.
File

MANILA, Philippines — Kapwa hindi na uma­bot ng buhay sa ospital ang isang kumakandidato sa pagka-Board Member sa ikalawang distrito sa lalawigan ng Maguindanao at apo nito matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek sa palengke ng Kabacan, North Cotabato, kamakalawa.

Ang nasawi ay kinila­lang sina Susan Baldes­tamon Montawal, misis ng dating bise alkalde ng Montawal, Maguindanao at ang apo nito na si Datu Harris Montawal.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay katatapos lang mamili ang maglola sa palengke at pasakay na sana sa kanilang sasakyan na van nang pagbabarilin ng mga suspek.

Mabilis isinugod ang mga biktima sa Kabacan Medical Specialist, pero kapwa hindi na umabot ng buhay.

Nabatid na si Susan ay kandidato ng Nacionalista Party sa pagka-board member sa ikalawang distrito ng Maguindanao.

Isa na rito ang anggulong sinisilip ng pulisya at isinasantabi ang kaugnayan sa pulitika.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with