^

Police Metro

Joy B magtatayo ng Quezon City anti-drug education center

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Plano ng Quezon City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Joy Belmonte na magpatayo ng institus­yong pang edukasyon kontra droga upang maturuan ang mga kabataan na makaiwas sa epekto ng paggamit ng illegal drugs.

Ayon kay Belmonte, planong magkaroon ng QC Special Anti-Illegal Drug Education Center sa lungsod para sa kapakanan ng mamamayan na makaiwas sa paggamit ng bawal na gamot.

Ang hakbang ay bilang tugon sa pahayag ni PDEA Director-General Aaron Aquino na ang mga kasalukuyang pamamaraan upang turuan ang mga kabataan para makaiwas sa illegal drugs ay hindi sapat at lipas na sa panahon.

Ang anti-drug education center ang lilikha ng mga aralin na ipapalaganap sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa QC kasama ang Department of Education (DepEd).

Magsasagawa rin ito ng mga makabagong information campaign at iba pang mga gawaing makakatulong sa pag-iwas sa paggamit ng mga ilegal na droga sa mga out-of-school youth, batang kalye, at pati na rin sa informal sector.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with