^

Police Metro

Pot session sa bus terminal: 2 timbog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad sa isang drug operation ang isang bus driver at konduktor na nagsasagawa ng pot session sa loob ng Victory Bus terminal sa Pasay City, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na sina Carno Donio, 36, driver ng Ceres Transport Inc., ng Lubao, Pampanga; at Louie Ellamil, 29, konduktor naman ng Victory Liner at nakatira sa Pozzorubio, Pangasinan.

Nakatakas ang dalawa nilang kasama na sina Michael Ilagan, konduktor ng Ceres Transport at Darry Arroz, janitor ng Victory Bus Terminal sa EDSA, Pasay City.

Sa ulat ng pulisya, nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Community Precinct- Central Park dakong ala-1:35 ng madaling araw sa Victory Bus Terminal sa Pasay City makaraang makatanggap ng sumbong sa opisyal ng naturang terminal ukol sa nagaganap na pot session ng mga tauhan ng dalawang bus company.

Nang dumating ang mga pulis, nasa kustodiya na ng mga security guard ng Victory Terminal sina Donio at Ellamil habang nakatakas ang dalawa pang suspek.

Ayon sa mga security guard, nagsasagawa sila ng inspeksyon sa mga nakaparadang bus nang makita ang apat na lalaki sa loob ng isang bus unit ng Ceres Bus at naaresto ang dalawa habang nakatakas sina Ilagan at Arroz.

Narekober ang tatlong aluminum foil at isang lighter. Ang mga suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Section 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Pasay City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

DRUG OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with