3 ASG member naaresto sa Sulu
MANILA, Philippines — Naaresto ng tropa ng pamahalaan ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group na kinilalang sina Gafur Albani Absari, Medzfar Mangabong at Madjid Mangabong sa Sulu.
Base sa ulat ng Wesmincom, dakong alas-9:40 ng umaga ay nagsasagawa ng military operations sa Patikul, Sulu nang maaresto ang tatlong bandido sa Barangay Maligay.
Kaagad na dinala ang tatlong bandido sa 501st Brigade para masampahan ng kaukulang kaso sa Sulu Provincial Police Office.
Pinuri naman ni Wesmincom commander Lt. General Arnel dela Vega ang Task Force Sulu sa pangunguna ni Brigadier General Divino Rey Pabayo dahil sa matagumpay na operasyon.
- Latest