^

Police Metro

Parak huli sa nakaw na sasakyan, baril

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pulis ang ­inaresto ng kanyang mga kabaro matapos matiklo sa minamanehong sasakyan na umano’y nakaw at sa bitbit nitong ‘di lisensyadong baril sa Cubao, Quezon City kamakalawa.

 

Nahaharap na ngayon sa mga kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Law of 2016 at sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang naares­tong si PO2 Randy Batonghinog, 34, nakatalaga sa Cavite Police Station at residente ng Brgy. Socorro, sa Cubao, habang minamaneho ang isang pulang Toyota Innova, na may conduction sticker no. A3F234 at pagma-may-ari ng RCB Rent A Car, dakong alas-2:30 ng hapon.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), nitong Setyembre pa naiulat na nasabing car rental na nawawala ang naturang sasakyan na nirenta umano sa kanila ng isang Marta Gabriella Soler noong Hulyo 28, 2018, sa halagang P50, 000 kada buwan.

Nang hindi na na­kabayad si Soler ng monthly rental at nang ‘di na ito makontak ay dito na ini-report sa pulisya ang insidente na nagresulta sa pagkakaaresto sa supek makaraang habulin ng mga pulis nang maispatan ito ng empleyado ng car rental sa naturang lugar sa Cubao.

Ikinakatwiran naman ng suspek na hiniram lamang niya ang sasakyan mula sa isang kaibigan na hindi naman nito pina­ngalanan.

Nadagdagan naman ang kaso ng suspek nang kapkapan ito at mahulihan ng hindi lisensiyadong Pietro Berretta caliber .32 na may serial Number DAA5221700 at kargado ng walong bala.

vuukle comment

LOOSE FIREARMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with