74 tiklo sa anti-garbage campaign-Erap
MANILA, Philippines — Umabot na sa 74 katao ang naaaresto dahil sa pagtatapon ng mga ito ng basura sa iba’t ibang lugar sa Maynila.
Sinabi ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, mahigpit na ipinagbabawal ang basta pagtatapon ng basura gayundin ang paglalabas ng basura ng hindi pa dadaan ang truck na kokolekta nito.
Ilan sa mga ito ay kinilalang sina Louie Alvarado, Alexander Basquiñas, Jose Carvajal, Idolhet Natividad, Erwin Dizon, Joy Puna, Dennis Buen; Gaspar Arevalo ; Zeacile Jaynairo; Antonio Santiago; at Mohammad Guro matapos magsagawa ng operasyon sa Road 10 corner Pacheco St, Tondo; Oroquieta, Blumentritt, Sta. Cruz na nahaharap sa paglabag sa City Ordinance 1158 o Illegal Disposal of Garbage.
Nabatid na pinag-utos ni MPD Director Rolando Anduyan ang pagpapakalat sa mga pulis para sa anti-illegal garbage disposal bunsod na rin ng walang habas na pagtatapon ng basura sa mga kalsada.
- Latest