^

Police Metro

Bantayan ang mga menor na anak sa paggamit ng internet-Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bantayan ang mga menor na anak sa paggamit ng internet-Joy Belmonte
Ito ang naging pakiusap ni Belmonte sa mga magulang na benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa maaaring paggamit ng internet sa pagbabahagi ng mga kalaswaan sa hanay ng mga menor de edad.
File

MANILA, Philippines — Hiniling ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa mga magulang na mapagmasid at bantayan ang kanilang mga menor de edad na anak sa paggamit ng internet.

 

Ito ang naging pakiusap ni Belmonte sa mga magulang na benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa maaaring paggamit ng internet sa pagbabahagi ng  mga kalaswaan sa hanay ng mga  menor de edad.

Anya, isa sa dahilan ng pagtaas ng  kaso ng child pornography sa  QC ay ang kakulangan sa kaalaman ng mga magulang tungkol sa epekto ng pornograpriya sa mga bata sa paggamit ng internet.

“Kailangan na­ting alalahanin na, kahit na hindi ginagalaw ang mga bata, hindi pa rin karapat-dapat ang kilos na ipinapagawa ng mga pedophile sa mga batang ito. Akala ng mga magulang na wala itong epekto sa mga bata, pero ito ay malaking bagay na nagdudulot ng trauma sa kabataan,”dagdag ni Belmonte.

Sinabi nito na ilang mga internet cafe at call center sa QC  ang nahuli na sa aktong gumagamit ng mga bata sa mga krimeng may kinalaman sa cybersex.

Una nang pinangunahan ni Belmonte ang pagpasa ng Ordinance No. 2163 noong 2012 na naghihigpit sa ope­rasyon ng mga internet cafe o computer rental at gaming shops ang pagbigay ng access sa mga iligal at pornographic websites at pagsumbong sa mga otoridad ng mga posibleng iligal na gawain sa loob ng kanilang establisimiento.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with