^

Police Metro

Hitman ni Kerwin, lover itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasok ng anim na nakamaskarang lalaki ang isang beach house at dito ay pinagbabaril ang umano’y hitman ng drug lord ng Eastern Visayas na si Rolando “Kerwin “ Espinosa Jr. at live-in partner nito, kamakalawa sa Brgy. Cambalading, Albuera, Leyte.

 

Ang mag-lover na namatay noon din ay kinilalang sina Jesus Tulin  at Sunshine Paton-og; pawang nasa hustong gulang.

Ang mag-live in partner ay pawang residente ng Ormoc City at nagsisilbing caretaker sa resthouse ng mga Espinosa sa lugar.

Ang bangkay ni  Sunshine ay natagpuan sa ground floor habang  si Tulin ay nakasalampak naman sa ikalawang palapag  ng nasabing resthouse.

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa mag-live in  dakong alas-3:20 ng hapon ay nasa resthouse ang mga ito nang dumating ang mga armadong salarin.

Sa teorya, unang binaril ng mga suspek si Paton-og na nasa ground floor saka umakyat sa 2nd floor kung saan kasalukuyang nagpi­pintura si Tulin sa kisame na isinunod rin ng mga itong pagbabarilin.

Matapos na makatiyak na napuruhan ang target ay nagsitakas ang mga salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon. Narekober sa crime scene ang isang cal. 45 pistol at 16 basyo ng nasabing armas.

Si Kerwin ay self confessed drug lord ng Eastern Visayas  na ang ama na si dating Albuera Mayor Rolando Espinosa na nasa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte ay napatay sa raid sa Baybay City Sub Provincial Jail noong Nobyembre 2016.

vuukle comment

ROLANDO “KERWIN “ ESPINOSA JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with