^

Police Metro

Extension o pagpapatigil ng Martial Law sa Mindanao malalaman sa disyembre

Joy Cantos - Pang-masa
Extension o pagpapatigil ng Martial Law sa Mindanao malalaman sa disyembre
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana dahil sa patuloy ang assessment ng mga ground commanders ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanilang irerekomenda kay Pangulong Duterte.
File

MANILA, Philippines — Sa kalagitnaan pa ng Disyembre irerekomenda ng Department of National Defense kay Pangulong Rodrigo Duterte kung palalawigin pa o ipatitigil na ang umiiral na martial law sa buong rehiyon ng Mindanao.

 

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana dahil sa  patuloy ang assessment ng mga ground commanders ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanilang irerekomenda kay Pangulong Duterte.

Sa panig naman ni AFP  Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, sinabi nito na wala pa silang rekomendasyon sa kasalukuyan kay Pangulong Duterte para mapalawig pa ang martial law.

Una nang sinabi ng Malacañang na depende sa rekomendasyon ng AFP kung palalawigan pa ang martial law sa Mindanao kaugnay ng pagtatapos ng implementasyon nito ngayong taon.

Magugunita na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa buong Mindanao matapos ang Marawi City siege noong Mayo 23, 2017 sa paghahasik ng terorismo ng Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na kung saan ay pinalawig pa ng dalawang kapulungan ng Kongreso noong Hulyo ng nakalipas na taon ng 6 buwan ang martial law hanggang Disyembre 31, 2017 at muling pinalawig ng isa pang taon mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2018. 

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with