^

Police Metro

3 pulis todas, 3 sugatan sa npa ambush

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa
3 pulis todas, 3 sugatan sa npa ambush
Sa report ng pulisya, dakong alas-9:10 ng umaga ay bumabagtas ang sinasakyan ni Puno at convoy ang mga pulis na lulan ng PNP marked vehicle patungong Daet nang sila ay pagbabarilin ng nasa 20 rebelde na nakaposisyon sa lugar.
Photo courtesy of PNP

FDA director nakaligtas...

MANILA, Philippines — Tatlong pulis na escort ang nasawi, habang tatlong iba pa ang nasu­gatan sa naganap na pag-ambush ng mga New People’s Army (NPA) rebels kay Food and Drugs Administration (FDA) Director General Nela Charade Puno, kahapon ng umaga sa highway ng Brgy. Napolidan, Lupi, Camarines Sur.

Ang napatay na mga pulis ay kinilalang sina SPO1 Percival Rafael; PO3 Carlito Navarroza; at PO1 Ralph Jason Vida. Habang nasugatan at dinala sa Bicol Medical Center sina PO1s Jonathan Perillo; Ruby Buena at Rodolo Gonzaga; pawang miyembro ng Camarines Sur Provincial Police Office (PPO) na pawang naka­talagang security escort ni Puno na nakaligtas sa ambush.

Sa report ng pulisya, dakong alas-9:10 ng umaga ay bumabagtas ang sinasakyan ni Puno at convoy ang mga pulis na lulan ng PNP marked vehicle patungong Daet nang sila ay pagbabarilin ng nasa 20 rebelde na nakaposisyon sa lugar.

Mabilis na nagrespo de sa lugar ang route security personnels mula sa 1st Camarines Sur Provincial Police Security Company hanggang sa magsiatras ang mga rebelde patungo sa direksyon ng kabundukan.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with