Jinggoy nais na manalo silang dalawa ni JV
MANILA, Philippines — Nais pa rin ni dating Senador Jinggoy Estrada na bagamat hindi sila nagkikibuan ng kapatid na si Senador JV Ejercito ay kapwa sila manalo sa senado.
Matapos na mag-file kahapon ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagkasenador ay sinabi ni Jinggoy kapatid pa rin niya si JV at wala siyang hangad kundi maluklok silang pareho sa Senado.
Inamin ni Jinggoy na malaking bagay na sinamahan siya ng kanyang mga magulang na sina Manila Mayor Joseph Estrada at Dr. Loi Ejercito sa Comelec.
Samantala, muling susubok sa Senado si dating Senador Mar Roxas, Ilocos Gov. Imee Marcos, Pia Cayetano, re-electionist Bam Aquino, Shel Diokno at Erin Tañada.
- Latest