Roque tatakbo bilang partylist representative
MANILA, Philippines — Mas pinili ni outgoing Presidential Spokesman Harry Roque na tumakbo bilang partylist representative sa halip na senador.
Ito ang inihayag kahapon ni Roque sa media briefing sa Malacañang, matapos silang mag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinayuhan siya na huwag ituloy ang pagtakbong senador na kanya namang susundin.
Aniya, tatakbo siya bilang 1st nominee ng Luntiang Pilipinas Partylist at nakatakdang maghain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) kung saan ang 2nd nominee ay si Ciarra Sotto.
Nagpasalamat din si Roque kay Pangulong Duterte sa ibinigay na pagtitiwala sa kanya upang maging miyembro ng kanyang gabinete sa loob ng mahigit 6 na buwan.
- Latest