^

Police Metro

8 estudyante inaresto sa droga

Ludy Bermudo, Ray Galupo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga otoridad ang walong estudyante nang magbenta ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pulisya, sa Malate at Sampaloc Maynila, kamakalawa.

Ang unang apat na suspek na hindi tinukoy ang pinapasukang eskwelahan ay kinilalang sina Adrielle Mercado, 21, ng PA-10 IST VAB, Pasay City; Maico Estrella, 22, ng no. 184 D. Progresso St., Pasay City; Jan Andre Sanchez, 18, ng no. 20 Tulip St., Roxas District, Quezon City; at Matthew Reyes, 21, ng Unit no. 1809 University Tower, Galicia st., Sampaloc, Maynila.

Nakumpiska sa mga suspek ang 225 na ecs­tacy tablet na may iba’t ibang kulay, lokal at high-grade na marijuana, glass tube na may bakas at amoy pa ng ginamit na marijuana at isang susi ng kulay puti na Mitsubishi Mirage na may plakang ABQ 2403.

Samantala, dakong alas-8:00 ng gabi nang maaresto sa CM Recto Ave., Sampaloc ang apat pang suspek na sina Richmond Ray Palustre, 20; Ryan Glen Zarandin, 20; Miguel Cardeña, 19; at Xanni Antonio, 18, na nakumpiskahan ng nasa dalawang kilo pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P240,000 makaraaang nakabili ang ka-deal nilang pulis ng nasa P10,000 halaga ng ‘damo’.

Ang walong estud­yante ay nahaharap sa kasong pag­labag sa RA9165 o Comprehensive ­Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ADRIELLE MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with