Cavite barangay chairman itinumba
Cristina Timbang (Pang-masa) - October 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang barangay chairman matapos itong barilin habang dumadalo sa isang dance contest sa covered court ng Brgy. Yakal, Silang, Cavite.

Ang nasawi dahil sa tama ng batok ay kinilalang si Naldie Secretario.46, chairman ng nasabing barangay.Nasugatan naman ang tatlong kabataan nang tamaan ng ligaw na bala.

Agad na tumakas ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi habang ginaganap ang isang dance contest sa covered court ay dumalo ang biktima kasama ang ilang niyang mga tanod.

Habang nakaupo ay bigla na lamang barilin ang biktima nang sunod-sunod ng dalawang suspek na kung saan ang ibang bala ay tumama sa tatlong kabataan na inaalam pa ang pagkakakilanlan na agad dinala sa pagamutan.

Patuloy ang imbestigasyon at nangangalap ng kuha ng CCTV sa pinangyarihan para makilala ang dalawang suspek.

BARANGAY CHAIRMAN NALDIE SECRETARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with