Barangay chairman itinumba
Rhoderick Beñez (Pang-masa) - October 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang barangay chairman matapos na siya ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa Purok Pagkakaisa, Brgy. Pisan, Kabacan, North Cotabato.

Ang nasawi ay kinila­lang si Brgy. Pisan chairman Nestor Ranay, 37, may-asawa at residente ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pananambang sa biktima dakong alas-9:10 ng umaga ay dumalo ang biktima sa flag ceremony sa barangay hall at pauwi na ito sakay ng kanyang scooter nang tabihan ng mga suspek na nakamotorsiklo at pagbabarilin.

Nadala pa sa ospital ang biktima, subalit namatay din ito habang nilalapatan ng lunas.

Pulitika at personal grudge ang sinisilip na motibo ng pulisya sa nangya­ring pagpatay sa biktima.

BARANGAY CHAIRMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with