Roque pinag-iisipan nang mag-resign
Rudy Andal (Pang-masa) - October 6, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa paniniwala na hindi siya akma sa kanyang posisyon matapos aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtungo siya sa ospital noong Miyerkules ng gabi ay pinag-iisipan na ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagbibitiw sa tungkulin.

 

“I was taken aback by the diagnostic examination. I did not lie. I simply did not know. I concede I did not know...I am inclined to believe that I am not in the position to continue in this kind of function,” paglilinaw ni Sec. Roque sa media briefing sa Malacañang.

“I will think twice about my options. I need a weekend,” giit pa ni Roque matapos sabihan siya ng Pangulo na aalukin na lamang siya ng ibang posisyon dahil hindi daw siya mananalo sa pagtakbo bilang senador.

Ayon sa source na ang inalok na puwesto kay Roque ay ang pagha­wak sa Office of the Press Secretary (OPS) na ipapalit sa bubuwaging Presidential Communications Operations Office (PCOO) bukod sa pagi­ging Presidential Spokesman.

HARRY ROQUE RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with