^

Police Metro

Edad 13 pasok sa criminal liability

Rudy Andal - Pang-masa
Edad 13 pasok sa criminal liability
Ayon kay Sen. Sotto, ginagamit ng sindikato ang probisyon sa Republic Act 9344 ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 kung saan mga menor de edad ang ginagamit nila sa paggawa ng krimen.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang inihain ni Senate President Vicento Sotto III na naglalayong ibaba sa edad na 13 ang criminal responsibility lalo’t mga minor ang ginagamit ng sindikato sa ibat ibang uri ng krimen upang makaiwas sa kulong.

Ayon kay Sen. Sotto, ginagamit ng sindikato ang probisyon sa Republic Act 9344 ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 kung saan mga menor de edad ang ginagamit nila sa paggawa ng krimen.

Aniya, ang senate bill 2026 ang magbibigay linaw sa tunay na intensiyon ng batas at ang pag-amyenda dito ay maglalagay ng criminal liability sa mga teenagers na nakagawa ng seryosong krimen.

Sa ilalim ng RA 9344 ay exempted ang mga batang may edad 15 pababa mula sa criminal liability na masyadong mataas kahit ibatay sa international standards.

Batay sa pag-aaral ng Child Rights International Network, ipinunto ni Sen. Sotto na ang average minimum age ng criminal responsibility sa Asya at Africa ay 11-anyos habang sa US at Europe ay 13.

Layunin ng bill ni Sotto na amyendahan ang Sections 6, 20, 20-A, 20-B at 22 ng RA 9344 na kung saan ang mga batang may edad 18 pababa pero above 12 ay dapat panagutin sa nagawa nilang krimen puwera na lamang kung nagawa niya ito ng hindi niya alam o hindi naiiintindihan ay dapat sumailalim siya sa intervention program ng pamahalaan.

Sa ilalim ng panukala ang mga seryosong krimen tulad ng parricide, murder, infanticide, kidnapping at homicide na nagawa ng edad 9 anyos hanggang 12 anyos ay dapat sumailalim sa Youth Welfare Code at pansa­mantalang ilalagay sa youth care faculty o Bahay-Pag-asa.

vuukle comment

VICENTO SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with