8 tinderong intsik sa Divisoria, inaresto ng BI
MANILA, Philippines — Inaresto ng Bureau of Immigration ang walong Chinese na iligal na nagtitinda sa isang shopping mall sa Divisoria, Maynila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Cai Zhongyong; Wang Liyan; Cai Yahui; Cai Shaorong; Shi Qingliang; Cai Shunli; Cai Jianting; at Lin Jiaxian.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ipinagbabawal sa ilalim ng Immigration Act na magtrabaho sa bansa ang sinumang dayuhan nang walang working permit o visa.
Ilan pa umano sa mga dayuhan ay nagtangka na suhulan ang mga operatiba ng BI nang sila ay arestuhin noong September 20 at September 21.
Nasa BI Legal Division na umano ang kaso ng walong dayuhan para sa pagsusulong ng deportation proceedings.
- Latest