^

Police Metro

Pagkamkam sa Iloilo power distribution pinangangambahan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mistulang nagbabantang martial law-style property sequestration sa isyu ng power distribution sa Iloilo City.

Ito ang pangamba ng Anti-Corruption Movement Inc. (ATM) founding chairman Atty. Leon Peralta at sa kanilang position paper ay nangangamoy na ang cronyism sa pagbibigay ng Kamara ng legislative franchise  para makapag-operate ng electric utility sa Iloilo City.

Tinukoy ni Peralta na  ang ginawa ng komiteng pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz Alvarez nang mabilisang aprubahan nito ang franchise na hinirit ng More Mineral Corp.’s (MMC) noong nakaraang Agosto. Habang inuupuan lamang ng komite ang aplikasyon sa franchise renewal ng Panay Electric Co. Inc. (PECO) na siyang kasalukuyang power distributor.

Ang PECO, ayon sa grupo, ang nagsu-supply ng kuryente sa Iloilo City at mga kalapit na bayan sa Panay Island sa loob ng 95 taon. Ang MMC naman na isang mining company ay mag-uumpisa pa lamang bilang power distribution utility.

Ayon kay Peralta, na ang PECO ang full-fledged electric distributor na nagmamantina ng P2B infrastructure kasama ang mga transmission lines, transformer towers, service vehicles at manpower ang may sapat na karanasan at kaalamang teknikal habang wala pang karanasan ang MMC.

Ayon sa mga industry experts, aabot ng 10 taon para makapagtatag ng isang power distribution facility na umaabot sa P2 bilyon ang gagastusin habang ang MMC ay iniulat na meron lamang kapital na P10 milyon.

Dahil wala namang power distribution assets ang MMC para epektibong makapag-operate, sinabi ng ATM na ang tanging opsyon nito ay i-takeover ang pasilidad na pag-aari ng PECO para hindi magkaroon ng power crisis sa Iloilo na tatagal ng ilang taon.

Mangyayari lamang umano ito kung papayag ang PECO na ibenta ang kanilang mga pasilidad sa MMC.

Kung idadaan naman sa puwersa ang pag-agaw sa pasilidad ng PECO, lalabas umanong meron nang nangi­ngibabaw na diktadurya.

Kaya’t umaasa ang ATM na itatama ng Kamara ang kuwestyunable at maanomalyang resolusyon ng komite ni Alvarez pagdating sa deliberasyon sa plenaryo.

vuukle comment

POWER DISTRIBUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with