3 drug suspek dedo sa buy bust
Ludy Bermudo, Raymond Catindig (Pang-masa) - September 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na umano ay sangkot sa pagtutulak ng shabu ang nasawi nang makipagbarilan sa mga otoridad sa magkahiwalay na drug bust operation sa Maynila at lalawigan ng Isabela.

Sa Maynila, Idineklarang dead on arrival ang suspek na si Benjo Villanueva, nasa hustong gulang, ng Building 17, Vitas Katuparan, Barangay 101, Tondo, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang drug busy bust operation sa rooftop ng ikaapat na palapag ng Bldg 17 sa Katuparan,Vitas, Tondo.

Nakahalata si Villanueva na may mga kasama pang iba ang katransaksiyon kaya’t pinaputukan nito ang poseur buyer, subalit nagmintis.

Pinasok ng mga nakaantabay na mga otoridad ang bahay at pinagbabaril ang suspek at napatay.

Inaresto ang asawa ng suspek na si Rowena matapos na may makuhang shabu sa loob ng bahay nito.

Patay din ang dalawang drug suspects sa bayan ng Cabatuan at Cauayan City, Isabela nang manlaban ang mga ito kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na sina Robert Cabu­yadao, 33, ng Mallig at Manny Mapalo, 44, ng Quezon.
Bukod sa nasamsam na tig-isang plastic sachet ng shabu sa dalawang suspek ay nakuha rin ng mga imbestigador ang tig isang cal.38 na rebolber.

BENJO VILLANUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with