^

Police Metro

OFW patay sa duwelo ng dalawang pulis

Pang-masa
OFW patay sa duwelo ng dalawang pulis
Ang nasawi ay kinilalang si Edward Opiña habang nasugatan sina Sr. Insp. Jeffrey Equizabal, nakatalaga sa Cagayan Regional Office-2; at PO1 Mike Sosa, nakatalaga sa Gonzaga police station. Batay sa ulat, bago nangyari ang duwelo nina Equizabal at Sosa dakong alas-2:30 ng madaling araw ay nagwawala sa kalasingan si Opiña kasama si Equizabal dahil wala umanong GRO na gustong tumeybol sa kanya.
File

MANILA, Philippines — Isang overseas Filipino worker ang nasawi matapos mabaril ng dalawang pulis na nagduwelo dahil sa pinag-aawayang guest relations officer (GRO) sa isang beerhouse kamakalawa sa Barangay Magapit, Lal-lo, Cagayan.

Ang nasawi ay kinilalang si Edward Opiña habang nasugatan sina Sr. Insp. Jeffrey Equizabal, nakatalaga sa Cagayan Regional Office-2; at PO1 Mike Sosa, nakatalaga sa Gonzaga police station. Batay sa ulat, bago nangyari ang duwelo nina Equizabal at Sosa dakong alas-2:30 ng madaling araw ay nagwawala sa kalasingan si Opiña kasama si Equizabal dahil wala umanong GRO na gustong tumeybol sa kanya.

Dito na  nakialam si Sosa na nagkataong naroon din sa Maldita KTV na ikinagalit ni Equizabal na nauwi sa  mainitang pagtatalo hanggang sa kapwa nagbunot ng baril at nagbarilan.

Nagpulasan ang ibang kostumer at dito ay tumambad ang duguang si Opiña at patay na.

Ang dalawang pulis ay isinugod sa magkahiwalay na ospital at inaalam pa kung sino ang nakabaril kay Opiña. -Raymund Catindig-

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with