^

Police Metro

Lovers tiklo sa P5.4-M droga mula Africa

Danilo Garcia - Pang-masa
Lovers tiklo sa P5.4-M droga mula Africa
Iprinisinta ng PDEA ang mag-lover na sina Julie Ann Lozada at Cyril Garcia Cabigan, matapos mahulihan ng P5.4 milyong halaga ng shabu sa NAIA.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang mag-live in partner na pinadalhan ng “art table” mula Africa, na may laman palang 800 gramo na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5.4 milyon noong nakaraang Sabado.

Nakilala ang mag-live in partner na sina Julie Ann Lozada at Cyril Garcia Cabigan, pawang mga residente ng Dasmariñas City, Cavite.

Unang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang iligal na droga nitong Setyembre 21 makaraang makakuha ng impormasyon buhat sa ibinigay ng United States Bureau of Food and Drugs.

Ayon kay NAIA district collector Mimel Talusan, kinilala ang consignee na isang Joy Bido Mariel na kinalaunan ay natukoy na si Lozada habang ang sender ay isang Asumani Lofeta.

 Nagsagawa ang pu­lisya, Customs at Philippine Drug Enforcement Agency ng inspection sa package na idiniklerang art table, at dito ang nasabing daan gramo ng “shabu” sa loob ng art work.

Ayon sa NAIA inter-agency drug interdiction task group, gumawa sila ng controlled delivery sa address kung saan dapat ipapadala ang package.

Pumunta ang otoridad sa Dasmariñas, Cavite kung saan yung naka-address ang delivery at dito nila nahuli ang mag live-in partner  na pinadalhan ng package na nanggaling sa Congo sa Africa.

Itinanggi naman ng mag-live ina na alam nilang droga ang laman ng package.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with