^

Police Metro

Ang leksiyon sa napanis na kare-kare

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG araw iyon na nagluto ako ng kare-kare. Todo effort ako sa mula sa pagbili ng sangkap hanggang sa paraan ng pag­luluto. Nakakapagod magluto ng kare-kare dahil nagluluto pa rin ako ng alamang na kapartner nito. Marami nang nabibiling de boteng alamang na gisado na, pero hindi ko makasundo ang lasa. ‘Yung isa, masarap sana pero ang tapang ng bawang. May isa akong nagustuhan, tama ang lasa, walang bawang pero hindi purong alamang. Parang gumamit ng “extender”, sapal siguro or giniling na isda. Iyon namang isa na talagang swak sa aking panlasa ay kailangan ko pang dayuhin sa mall dahil sa restaurant ito nabibili. Kaya hayun, kailangan pang ako ang magluto ng ginisang alamang para masunod ang gusto kong lasa.

Sa pagpapalambot pa lang ng beef at labot (laman loob na kung tawagin ay tuwalya) ay gugugol talaga ng dalawang oras at 6 large packs na uling. Basta, ayokong magpalambot sa pressure cooker. Una kong iginisa ang mga gulay. Itinabi ko muna ang mga ito. Tapos hiwalay kong lulutuin ang kare-kare sauce. Pinagsasama ko ang dinikdik na mani at Lily’s peanut butter. Ang peanut butter ay nagpapalinamnam at nagdudulot ng tamis. Masarap sa akin na may nalalasa akong tamis mula sa peanut butter. ‘Yun namang dinikdik na mani ay nagpapalakas ng lasang mani. Mas maganda ang nagiging kulay ng kare-kare kung atsuete powder ang gagamitin. Maputlang orange ang nagiging kulay kung ang gagamiting pangkulay ay mula sa  buto ng atsuete na ibinabad sa mainit na tubig.

Ako lang at anak  kong bunso ang nakatikim ng aking luto noong tanghalian. Pagdating ng hapon ay nagmeryenda kaming mag-iina ng pizza kaya iyon na rin naging hapunan. Ang mister ko naman ay sa office na naghahapunan. Kaya ang pinaghirapan kong kare-kare ay hindi nagalaw noong dinner time. Wala nang space sa aming fridge kaya para tumibay laban sa panis, ito ay aking pinakuluan bago ako matulog. Pagkagising ko kinaumagahan, ang kare-kare agad ang aking inusisa. Mangiyak-ngiyak ako nang bumungad sa akin ang itsura nito: maraming bubbles sa ibabaw at amoy panis.

(Itutuloy)

vuukle comment

KARE-KARE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with