Ex-cop tigok sa tandem
Raymond Catindig (Pang-masa) - September 21, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang dating pulis ang nasawi nang ito ay pagbabarilin habang angkas sa isang motorsiklo dalawang lalaki na sakay din ng isang motorsiklo kahapon sa Brgy. Centro 4, Tuguegarao City, Cagayan.

Namatay noon din si dating PO3 Lucas Mangada, 36, habang nasugatan naman ang kasama nito na si Kurt Javier at isa pang angkas na 3-anyos na batang lalaki.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng tanghali ay angkas ang dating pulis at 3-anyos sa motorsiklo na minamaneho ni Javier na kagagaling sa pansitan nang sila ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo.

Lumalabas sa imbestigasyon na suspek si PO3 Mangada ay nasibak sa serbisyo dahil sa kasong droga.

Nang mawalan ng trabaho ay nagsasagawa umano ito nang panghoholdap sa mga estudyante na pinagbabantaan na tataniman ng shabu kung hindi ibibigay ang kanilang mga cellphone.

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with