Ex-brgy.chairman na nasa Duterte’s list, itinumba
MANILA, Philippines — Isang dating barangay chairman na umano ay nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drugs ang pinagbabaril sa Imus City, Cavite, kamakalawa.
Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Gaudencio Herrera, 59.
Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga ay nakatayo sa tapat ng isang tindhan sa Brgy. Malagasang 2-C ng nasabing lungsod ang biktima nang sumulpot ang mga suspek at agad na pagbabarilin.
Nang masigurong patay na ang biktima ay saka pa lamang tumakas ang mga ito.
- Latest