^

Police Metro

Lanao board member, misis timbog sa P3-M shabu

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa
Lanao board member, misis timbog sa P3-M shabu
Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga nang salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bahay ng mag-asawang Magandia sa nasabing lugar sa bisa ng search warrant.
File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang Lanao del Sur board member, misis nito at konsehal ng Marawi City sa isang anti-illegal drugs operations kahapon ng umaga sa Barangay Tubod, Iligan City, Lanao Del Norte.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Lanao del Sur Board Member Hussein Magandia, misis na si Norhainah at Marawi City Councilor Amienquallied Dimal.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga nang salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bahay ng mag-asawang Magandia sa nasabing lugar sa bisa ng search warrant.

Sa paghahalughog ng bahay ay nadiskubre ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon at isang baril.

Nabatid na ang mag-asawang Magandia ay mi­yembro ng Iwaram Drug Group na nagpapakalat ng shabu sa Marawi City, Lanao del Sur at Lanao del Norte.

Samantala, nasakote  rin ng mga otoridad ang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman na si Regie Abanto at kasama na si Renan Soto sa isinagawang anti-drug operation sa Brgy Gaas, Balamban, Cebu City kamakalawa ng alas-11:00 ng gabi.

Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos na arestuhin ng mga otoridad nang maaktuhang nagtutulak ng shabu.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P 141,600 at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with