^

Police Metro

Solon bagsak presyong nagbenta ng lupa

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patung-patong na kaso ang haharapin ng isang dating mayor ng Mandaue City na ngayon ay kongresista dahil sa umanoy bagsak presyong pagbenta ng 3.5 ektaryang lupa na pag-aari ng lungsod.

Nahaharap sa kasong plunder at paglabag sa Section 3 (e) and 3 (g) of Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act bukod pa sa kasong administratibo si Cebu Rep. Jonas Cortes.

Nabatid na isinulong ni Cortes na noon ay alkalde ng Mandaue City ang pa­luging pagbebenta ng lupa noong Setyembre 2015 na P50 kada square meter o P1,791,050.

Napakababa anya ng halaga ng pagbenta dahil ang kasalukuyang market value ng nasabing lupain ay P12,000 per square meter o P429.8 milyon.

Ginawa pa nito ang pagbenta ng lupa kahit walang public bidding at hindi naisangguni sa Committee on Awards bukod pa sa nabigo din si Cortes na makakuha ng pag-apruba mula sa Commission on Audit na itinatakda ng Local Government Code at mga patakaran ng COA.

Nabuking din kamakailan ng COA na mayroong anomalya sa pagbili ng dalawang Tank Fire Fighting vehicles na nagkakahalaga ng P44.9 milyon noong 2015.

Nakita ng ahensiya na nagkaroon ng matin­ding paglabag si Cortes sa patakaran sa bidding sa ilalim ng Government Procurement Law nang bilhin niya ang dalawang sasakyan sa Boston Home Inc.

vuukle comment

JONAS CORTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with