Erap pinaalerto ang barangay officials at MDRRMO kay ‘Ompong’
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - September 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaalerto na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office, barangay officials at mga frontline service offices ng lungsod sa inaasahang super bagyong Ompong.

Inatasan na rin niya ang mga ito na maglatag ng mga plano para sa relief operations at posibleng ­paglikas ng mga residenteng nasa peligrosong lugar.

Nakahanda na rin ang mga pagkain at gamot para sa mga evacuation centers sa Baseco, Delpan, at Delpan Sports Complex

Bukod dito ay gagamitin ding alternatibong evacuation ang mga eskwelahan ng Corazon Aquino High School sa Baseco, Vicente Lim Elem. School, Almario Elem. School, Villegas High School sa Vitas at maging covered court sa Brgy 105, mga health centers na may mga gamot na maaaring makuha ng mga residenteng ililikas.

Nauna nang kinumpirma ng Pagasa na ang super typhoon Ompong ay may lakas na mahigit 200kph na ang sentro ay sa Northern provinces, Batanes at Central Luzon na posibleng manalasa sa Metro Manila mula Biyernes (Setyembre 13) hanggang Sabado (Setyembre14).

 

 

JOSEPH ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with