Sa ulat ni PO3 Joey Madrid, dakong alas-10:35 ng umaga nang mahukay ang hinihinalang shabu na nakalagay sa 10 transparent na plastic bag sa ipinapagawang drainage ni Danilo Sibug, may-ari ng Danc’s Repair Service na matatagpuan sa Block 176, Lot 1, Commonwealth Ave. Ext., Brgy. North Fairview.
Boy Santos
P40.8-M shabu nahukay sa drainage
Mer Layson (Pang-masa) - September 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P40.8 milyong ang nadiskubre habang naghuhukay ng drainage sa loob ng isang pagawaan ng mga refrigerator sa Brgy. North Fairview, Quezon City kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PO3 Joey Madrid, dakong alas-10:35 ng umaga nang mahukay ang hinihinalang shabu na nakalagay sa 10 transparent na plastic bag sa ipinapagawang drainage ni Danilo Sibug, may-ari ng Danc’s Repair Service na matatagpuan sa Block 176, Lot 1, Commonwealth Ave. Ext., Brgy. North Fairview.

Agad na ito ay inireport sa mga opisyal ng barangay na siya namang nagreport sa tanggapan ng Quezon City Police District (QCPD).

Kinakailangan pang idaan sa mas masusing pagsusuri upang mapatunayan kung shabu ang nahukay.

Nagrerenta lamang sa lugar si Sibug kaya’t aalamin na rin ng pulisya kung sinu-sino pa ang mga dating umupa sa lugar upang matukoy kung sino ang posibleng nagbaon at kung kailan ibinaon ang mga kontrabando sa lugar.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with