DOJ hiniling sa Makati RTC na magpalabas ng warrant of arrest vs.Trillanes
Ludy Bermudo (Pang-masa) - September 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Iutos na ang pag-aresto kay Senator Antonio Trillanes IV”.

Ito ang naging kahi­lingan ng Department of Justice (DOJ) sa Makati City Regional Trial Court Branch 150 kaugnay sa pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ng amnesty na ibinigay sa kaniya ng Malacañang noong nakalipas na administrasyon.

Sa inihaing Very Urgent Motion with Revocation of the Amnesty ng DOJ sa Makati Regional Trial Court Branch, hiniling din ng DOJ na ituloy na ang pagdinig sa kaso para makapag-prisinta na ng ebidensiya ang pro­secution.

Matatandaang noong taong 2007 nang maganap ang Manila Peninsula siege  at kabilang si Trillanes sa akusado sa rebellion case kaugnay nito.

Iginiit pa ng DOJ na hindi na kailangan pa ng pagdinig para sa pag-iisyu ng warrant of arrest laban kay Trillanes dahil noon ay nakapag-isyu na ng warrant of arrest ang nasabing korte at pinayagan pang magpiyansa ang senador na sa huli ay kinansela din.

Kabilang pa sa hiling ng mosyon sa korte na magpalabas din ito ng hold departure order  laban sa senador upang hindi ito makalabas ng bansa.

May katulad na mosyon din ang nakabinbin pa sa Makati RTC Branch 148  na may hawak sa kasong coup d’ etat  laban kay Trillanes at sa iba pang Magdalo soldiers.

TRILLANES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with