Pinapanalangin ni Father Robert Reyes si Senator Antonio Trillanes IV na katabi ang imahe ng Penafrancia sa loob ng kanyang opisina kahapon.
KJ Rosales
Misa kay Trillanes bawal na sa senado
Malou Escudero (Pang-masa) - September 8, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinagbawal na ang pagdaraos ng misa para kay Senator Antonio Trillanes IV ng kanyang mga supporters sa mismong gusali ng Senado.

Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na walang dahilan para sa Senado gawin ang misa kung saan naroon si Trillanes at sa halip ay gawin na lang sa isang malapit na simbahan.

Inaasahan din umano ni Sotto na tutulungan siya ng senador na i-preserve ang integrity at sanctity ng institusyon at hindi abusuhin ang hospitalidad ng liderato ng Senado.

Dapat ay nakasarado ang Senado kapag weekends at tanging mga staff lamang ng mga senador ang papayagang pumasok.

Ipinahiwatig pa ni Sotto na tatanggalan ng airconditioning system si Trillanes dahil isinasara umano ito kapag weekends upang hindi masira.

“Senate is closed on weekends. Only staff of senators are allowed. We have to turn off airconditioning at certain times and on weekends because it will bog down if they don’t,” sabi ni Sotto.

Idinagdag pa ni Sotto na ina-accommodate lamang nila si Trillanes at umaasa siyang hindi aabusuhin ng mga supporters nito ang kanilang pasensiya.

Nakatakda sanang magdaos ng misa ang mga supporters ni Trillanes sa 5th floor ng Senate building kung saan naroon ang kanyang tanggapan ngayon at bukas ng ika-6 na hapon na posibleng hindi na ito matuloy.

Pinapayagan kahapon ang mga supporters ni Trillanes na umakyat sa 5th floor ng Senate building, pero limitado lamang sa 20.

Magugunita na kamakalawa ay nagdaos ng misa sa tanggapan ni Trillanes ay dito ay nagbiro umano si Fr. Noel Gatchalian na ipagdasal na magkasakit sana si Pangulong Duterte na umani ng mga batikos sa netizens.

TRILLANES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with