^

Police Metro

PLM student nasalpok, suspek naharang sa NAIA

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 18-anyos na estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) matapos na ito ay masalpok habang tumatawid sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila ng isang SUV na hindi huminto naganap kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si Jeremiah Erwin Tan, 1st year college student sa kursong accountancy.

Ang suspek na natunton ng mga otoridad ay kinila­lang si Victor Kung, 70-an­yos na pasakay na sana sa eroplano sa Ninoy Aquino International Airport patu­ngong Hong Kong.

Nakilala lang ang suspek nang makuha ng ilang saksi ang plaka ng sasakyan nito matapos takasan ang pagbangga sa biktima dakong ala-1:00 ng madaling araw sa R. Boulevard kanto ng ­Pedro Gil St., Ermita, Maynila.

Agad na bineripika ang nakuhang plaka ng Toyota Avanza na TQR-245 na kulay puti sa Land Transportation Office (LTO) na natukoy na nakarehistro ang sasakyan sa Sun Fortune Inc. na matatagpuan sa no. 229  Isabelo Fernando St., Malanday, Valenzuela City.

Sa follow-up operation sa Valenzuela, nalaman na umalis ang suspek para magtungo sa Hong Kong kaya sa NAIA ito hinabol na nagkataong delay ang flight noong Lunes ng alas 3:40 ng hapon kaya naabutan ito at inaresto ng mga tauhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit.

vuukle comment

VICTOR KUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with