^

Police Metro

9 kadete ng PNPA na nambugbog ng bagong gradweyt na upperclassmen pinatalsik

Joy Cantos - Pang-masa
9 kadete ng PNPA na nambugbog ng bagong gradweyt na upperclassmen pinatalsik
Kinumpirma kahapon ni PNPA Director P/Chief Supt. John Adnol matapos niyang pagtibayin ang ipinataw na kaparusahan laban sa mga kadete base sa inilabas na resulta ng rekomendasyon noong Agosto 10.
KrizJohn Rosales

MANILA, Philippines — Siyam na kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang pinatalsik matapos na gulpihin nila ang anim na mga nagsipagtapos na upperclassmen sa kontrobersyal na graduation ceremony na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 21 ng taong ito.

Kinumpirma kahapon ni PNPA Director P/Chief Supt. John Adnol matapos niyang pagtibayin ang ipinataw na kaparusahan laban sa mga kadete base sa inilabas na resulta ng rekomendasyon noong Agosto 10.

Napagtibay  ang pagpapatalsik sa mga kadete matapos na pormal na niyang lagdaan kahapon ang rekomendasyon ng Board of Inquiry.

 Binigyan naman hanggang ngayong araw (Agosto 22) ang mga akusadong pasaway na mga kadete para makapagsumite ng apela sa desisyon.

Dalawa naman sa mga kadete ang pinatawan ng pagkakasuspinde o turnback o mula 3rd year ay ibabalik ang mga ito sa 2nd year.

Nasa 31 namang mga kadete ang pinarusahan ng demerits, touring o pag-iikot sa kampo at confinement to barracks o pagbabawal na makalabas ang mga ito ng kampo.

Dalawa naman sa mga kadete ang inabsuwelto sa kaso ng panggugulpe sa anim na mga bagong gradweyt sa PNPA.

Sa kabuuan, aabot sa 44 kadete ang isinalang sa imbestigasyon  sa nasabing kaso matapos ang kontrobersyal na pambubugbog sa anim na bagong gradweyt sa PNPA pero dalawa lamang sa mga ito ang napawalang sala.

vuukle comment

PNPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with