Hindi dapat maging ‘balat-sibuyas’ ang nasa gobyerno-Malacañang
MANILA, Philippines — Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi anya, dapat maging ‘balat-sibuyas’ ang nasa gobyerno.
Ito ay matapos tawagin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘hotbed’ ng shabu ang Naga City na ang dapat gawin lamang nila ay patunayan na hindi totoong hotbed ng shabu ang kanilang lungsod.
Magugunita na inakusahan mismo ni Pangulong Duterte na ‘hotbed’ ng shabu ang Naga City na pinagmulan ni Vice-President Leni Robredo.
“He (Duterte) has access to all available information.’Yung mga taong gobyerno should not be onion-skinned. Focus on combating the drug menace,” paliwanag pa ni Sec. Roque.
Nagpasa ng resolusyon ang Naga City council kung saan ay itinatanggi ang akusasyon ni Pangulong Duterte na naging hotbed ng shabu ang kanilang lungsod kung saan ay sinabi pa ng mga ito na ang hotbed ng shabu ay ang Maynila.
- Latest