^

Police Metro

Misis tigok sa trak

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 30-anyos na misis habang sugatan ang dalawa nitong kasama matapos sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo at minalas na mahagip ng kasunod na dump truck sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City kamakalawa ng gabi.

 

Pisak matapos na magulungan ang biktimang kinilalang si Mernalyn Aquino, habang ang mga nasugatan naman ay sina Benedict Chavez, 20, waiter at Aurelia Santos, 18, estudyante.

Kusang loob namang sumuko ang driver ng truck na si Larry Santiago, 42.

Sa imbestigasyon ng Marikina City Police, dakong alas-9:15 ng gabi nang habang magkakaangkas ang tatlong biktima sa isang motorsiklo at bumibiyahe sa southbound lane ng JP Rizal at nang pagsapit sa kanto ng Libis St., ay bigla na lang sumemplang ang sinasak­yan nilang motorsiklo dahil sa madulas na kalsada.

Hindi naman kaagad na nakapag-preno ang kasunod nilang dump truck, na minamaneho ni Santiago, kaya’t minalas na mahagip sila nito kung saan napuruhan si Aquino ng gulong ng truck habang tumalsik at nasugatan naman sina Chavez at Santos, na ngayon ay ginagamot pa sa hospital.

Nahaharap ngayon si Santiago ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple physical injuries.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with