^

Police Metro

VM Joy Belmonte tumanggap ng tulong mula kay Inday Sara

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bilang tulong sa mga naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad, nagbigay si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng P500,000 halaga kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte nang ilunsad ang alyansa ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) kasama ang iba’t-ibang mga lokal at rehiyonal na partido, kabilang na ang Serbisyo ng Bayan Party (SBP ) ng Quezon City na pinangunahan ng huli.

 

Ang naturang ayuda ay laan para sa mga nabiktima ng nagdaang mga kalamidad sa bansa na higit na naapektuhan ang mga taga-QC .

Nagbigay rin ng P500,000 si Duterte kay Pampanga Governor Lilia Pineda bilang tulong sa kanyang mga nasasakupan na apektado ng baha.

Pinasalamatan naman ni Duterte-Carpio sa kanyang talumpati sina Belmonte at Pineda sa pagpunta nila sa paglulunsad ng nasabing alyansa sa kabila ng kanilang mga isinasagawang “relief operations” para sa kanilang mga nasasakupan.

Dagdag pa ni Duterte, ang mga donasyon na ito ay nanggaling sa mga kaalyado ng HNP na nagbigay ng tig-P250, 000 para sa “relief operations” ng dalawang lungsod. Hiniling din niya na ang “cash assistance” ay gamitin sa mga evacuation centers para sa mga pamilyang kinailangang lumikas.

Noong July 23 ay nagsanib-pwersa sina Duterte-Carpio at Belmonte para sa muling pagpirma ng kasunduan sa sister-city ties ng lungsod ng Davao at Quezon. Pinangunahan din nila ang paglunsad ng “Tapang at Malasakit” sa QC.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with