^

Police Metro

‘Tandem’ dedo sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang dalawang lalaki na umano ay magnanakaw ng motorsiklo matapos na manlaban sa mga otoridad kahapon sa Brgy. Sta Rita, Olongapo City, Zambales.

 

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng dalawang napaslang na suspek.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-4:20 ng madaling araw ay nakatanggap ng sumbong ang Olongapo City Police-Station 5 mula sa isang rider na hinoldap ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo na kung saan ay tinangay ang kanyang motorsiklo sa Brgy. Sta Rita.

Hinabol ng mga nagpapatrulyang mga pulis ang suspek at ng malapit nang maabutan sa tapat ng isang pampublikong sementeryo ay agad na nagpaputok ng baril.

Nagkaroon ng maikling palitan ng putok sa pagitan ng mga otoridad at mga suspek na ikinasawi ng mga ito.

Nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan na sakay rin ng isa pang motorsiklo.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with