^

Police Metro

Jeep vs van: 3 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasawi habang pito ang nasugatan sa naganap na banggaan ng isang pampasaherong jeep at van naganap kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Maharlika Highway, Atimonan, Quezon.

 

Namatay noon din ang driver ng van na si Luisito Sarte matapos na maipit sa nayuping unahang bahagi ng behikulong minamaneho nito. Habang binawian ng buhay sa ospital sina Segundina Llamado at Menilla Llovido.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital sina Jocelyn Bengua, Salvacion Pasagi, Cara Alcidor, Victoria delos Santos, Liza Llamado Celebrada Montayas at ang driver ng jeepney na si Martinez.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang sakuna dakong alas-11:35 ng gabi sa bahagi ng nasabing lugar ay minamaneho ni Martinez pa south bound ang kanyang jeep at dito ay tinangkang iwasan ang isang truck na nakaparada sa tabi ng highway na naging dahilan upang maokupa nito ang kabilang linya na siya namang pagdating ng van at sila ay nagsalpukan.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with