^

Police Metro

Empleyada ng pawnshop kinatay ng magnanakaw

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 22-anyos na empleyada ng isang cellphone and gadget pawnshop ang kinatay nang pasukin at pagnakawan ng mga suspek ang pinapasukang establisyimento kamakalawa ng hapon sa Abanao Street, Baguio City.

Natagpuang patay na nakatali ang mga kamay at paa ng packing tape ni Lindsay Valdez ng Urdaneta, Pangasinan.

Sa ulat, dakong ala-1:40 ng hapon nang matagpuan naliligo sa sariling dugo ang biktima nang laslasin ang lalamunan nito sa loob ng 202 Cellphone Pawnshop.

Pinaniniwalaang pinasok ng mga kawatan ang pawnshop sa maliit na entrada nito habang nag­lilinis ang biktima bago magbukas ng alas-8:00 ng umaga.

Sinabi sa pulisya ng may ari ng pawnshop na si Julio Parayno III na nagawang buksan ng mga salarin ang kanilang cash vault at tinangay ang laman nitong cash na nagkakahalaga ng P87,434.

vuukle comment

LINDSAY VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with