^

Police Metro

3 mag-utol huli sa drug ops

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga pulis ang tatlong magkakapatid na sinasabing tulak ng droga sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang magkakapatid na sina Emelito Cabiling, 37; Angelito Cabiling, 39; at Joselito Cabiling, 43 na pawang residente ng San Isidro St., Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Bukod sa magkakapatid ay naaresto rin ang kanilang kaibigan na si Edgardo Brabante, 33 ng No. 1060 San Isidro St., Brgy. Holy Spirit.

Batay sa ulat, nagsagawa ang Batasan Police Station 6 nang buy-bust operation sa magkakapatid makaraan umanong makumpirma na sila ay nagtutulak ng bawal na droga.

Nabawi sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalias at buy-bust money.

Nabatid na ang magkakapatid na Cabiling ay bago pa lamang bilang mga ‘drug personalities habang si Brabante ay kabilang na sa ‘drug watch list’ ng QCPD station 6.

vuukle comment

EMELITO CABILING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with