^

Police Metro

7,728 NPA rebels, supporters nalipol

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umabot na sa 7,728 mga rebeldeng New People’s Army at kanilang supporters ang nalipol ng tropa ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa taong kasalukuyan.

Ayon kay AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, ang nasabing bilang ng komunistang grupo ay na-neutralisa mula Enero 1 hanggang Agosto 8 ng taong ito.

Sa 7,515 NPA rebels at mga supporters ang sumuko sa tropa ng mga sundalo ay nabiyayaan ng benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan habang 83 rebelde naman ang napatay habang nasa 130 iba pa ang nasakote.

Nagresulta rin ang mili­tary operations sa pagkakarekober ng 971 sari-saring mga armas, 341 Improvised Explosive Devices (IED) at nakubkob din ang 161 rebel camps.

Sinabi ng opisyal na nasa 4,000 NPA fighters na lamang ang target ng opensiba ng tropa ng pamahalaan at positibo sila na matutuldukan ang insurgency problem sa puspusang military ope­rations pero wala namang itinakdang timeline o palugit ukol dito.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with