Nars, 2 babae timbog sa drug bust
Mer Layson, Raymond Catindig (Pang-masa) - August 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang lalaking nars at dalawang kasamang babae ang dinakip ng mga otoridad sa naganap na drug buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Barangay San Martin de Porres, Quezon City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Arnold Tabelioma, 46, registered nurse; Patrixia Marie Gabriel alyas Angel, 27, at Christine Abuda alyas Tin-Tin, 28.

Batay sa ulat, nagsagawa muna ng surveillance operation ang mga otoridad laban kay Abuda na ginagamit pa ang anak na paslit sa pagtutulak ng droga.

Nang magpositibo ay isinagawa ng drug buy bust operation dakong alas-3:40 ng madaling araw ng mga tauhan ng QCPD Station 7 at naaresto ang tatlong suspek at nasamsam ang 15 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalias.

Nabatid na ang tatlo ay magkakakutsaba umano sa pagtutulak ng droga sa nasabing barangay at dati na ring sumuko sa Oplan Tokhang sina Abuda at Gabriel noong nakaraang taon.

Samantala, naaresto si Brgy. Kagawad Eddie Cabico sa isa rin buy bust operation sa Brgy. Langaon, Sta. Maria, Ilocos Sur at nakumpiska ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu. Si Cabico ay nakahanay sa narco list ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

DRUG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with