Pasay Brgy. Chairman itinumba sa outpost
Lordeth Bonilla (Pang-masa) - August 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang isang barangay chairman na nakaupo sa labas ng barangay outpost kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Barangay Chairman Jovie Decena, 47, may asawa, naninirahan sa #182 Toyo Compound  Villaruel St., Brgy.  28 ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa biktima dakong alas-10:30 ng gabi sa labas ng outpost ng Brgy. 28, Zone 2, Villaruel St., ay katabi at kausap ng biktima si Kagawad Federico Mandue nang duma­ting ang isang motorsiklong lulan ang dalawang suspek na may mga takip ang mukha at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Habang si Mandue ay nakatakbo at nagtago sa isang bahay kaya’t hindi na siya sinundan ng mga suspek na agad umalis sa lugar.

Humingi ng tulong si Mandue at isinugod sa nasabing ospital  ang biktima, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

JOVIE DECENA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with