^

2 gang member tumba sa barilan

Joy Cantos (Pang-masa) - August 5, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Tumimbuwang ang dalawang sinasabing mi­yembro ng isang notoryus na sindikato na sangkot sa illegal drug trade, robbery-holdup at iba pa matapos na mauwi sa shootout ang buy-bust operation ng mga owtoridad sa Biñan City, Laguna nitong Biyernes ng gabi.

 

Sa ulat ni Sr. Supt. John Kirby Kraft, Provincial Director ng Laguna Police, kinilala ang mga napatay na suspek na sina Darille Tabula at Johnrick Antoniano, pawang mga nasa hustong gulang.

 Bandang alas -10 ng gabi, ayon kay Kraft nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Phase 2, Southville 5 A, Brgy. Langkiwa ng lungsod.

Ayon kay Kraft ang mga suspek ay aktibong miyembro ng Buddha Group, isang notoryus na sindikatong kriminal na sangkot sa iligal na gawain at nag-ooperate sa iba’t ibang barangay sa Biñan City at mga karatig lugar.

Ayon sa opisyal, isang pulis ang umaktong poseur buyer na nakabili ng shabu sa mga suspek sa halagang P 1,000 at nang matunugan ng mga ito na pulis ang kanilang ka-deal ay agad na bumunot ng armas ang mga suspek at pinaputukan ang mga operatiba dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng dalawa.

Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang dalawang cal .38 baril, siyam na basyo ng bala ng cal .9 MM, apat na sachet ng shabu, isang cellular phone at P1, 000.00 cash.

GANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with