NBI tutulong sa pag-aresto sa 4 na ex-solon
MANILA, Philippines — Hindi lang mga miyembro ng kapulisan ang tutugis para arestuhin sa apat na dating partylist congressmen kundi ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ito ay makaraang atasan sila ng Department of Justice na tumulong sa pagtugis at pagsisilbi ng arrest warrant na inisyu ng mababang hukuman sa Nueva Ecija laban kina dating Bayan Muna partylist Reps. Satur Ocampo at Teddy Casiño, Anakpawis partylist Rep. at dating Gabriela partylist Rep. na ngayon ay National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Liza Maza.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, gagampanan ng NBI ang mandato na tumulong sa pagsisilbi ng mandamyento na inisyu ng Nueva Ecija, Palayan City Regional Trial Court.
Katunayan, hindi na raw kailangan pa ng kalihim na mag-isyu ng kautusan para ipatupad ng NBI ang arrest warrants.
Ang utos na pag-aresto sa mga lider-militante ay nag-ugat sa reklamong inihain noon pang 2006 dahil sa nangyaring pagpatay sa mga magsasakang sina Danilo Felipe, Carlito Bayudang at Jimmy Peralta noong 2001 at 2004.
- Latest